Abante Tonite Interactive

‘Awit may lawit’ isinuka ng Spotify

424

Matagumpay ang mass reporting na ginawa ng LGBTQ community at supporter sa kantang “Awit” ng Viva Records.

Sa Twitter ay binahagi ng mga netizen ang kanilang pag-report sa kanta ni Young Vito na para sa kanila’y transphobic ang lyrics.

Dati nang nag-trending ang kanta nang i-tweet ito ni Young Vito, ngunit binura din kalaunan dahil sa puna ng mga netizen.

Sa ngayon ay hindi na mapapakinggan sa Spotify ang nasabing kanta, gayundin sa YouTube channel ng Viva Records. (RP)