Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Awit’

0 551

“Wake me up when September ends”.

Pagpatak ng alas dose ng gabi ng a-uno ng Setyembre, bumaha ng mga post sa Facebook na nagsasabi ng linyang ‘yan.

Ano ba ang meron sa Setyembre na dapat tulugan?

Bakit kailangang gumising na lang sa pagtulog ‘pag a-uno na ng Oktubre?

Sa tradisyon ng mga Tsino, ang madalas na naririnig natin ay ang “Ghost” Month at ito ay madalas tumama sa buwan ng Agosto.

Ayon sa kasabihan, ‘pag Ghost Month ay ‘di ipinapayo na gumawa ng malalaking desisyon o aksyon tulad ng pag-aasawa, paglilipat-bahay, pagsisimula sa bagong trabaho, pagpirma ng kontrata, pagbili ng kotse o bahay,at pagpapaopera.

Ang Ghost Festival ay tapos na dahil mula Agosto 19 hanggang Setyembre 16 ngayong taon ito natapat.

Ano naman ang wake me up when September ends (WMUWSE)?

Ang awit na ito ay literal na “aw + sakit” na kilala na ngayon bilang “awit” sa mga Millennial.

Isinulat ang kanta ni Billie Joe Armstrong at kwento ito ng pagkamatay ng kanyang ama dahil sa kanser noong s’ya ay sampung taong gulang pa lamang.

Ngunit sa music video nito ay isinalarawan ang dalawang nag-iibigan na nagkahiwalay dahil sa gyera sa Iraq kaya ang talagang #hugot o tema nito ay ang pagkawala o loss.

Naging international anthem din ito para alalahanin ang mga biktima ng Hurricane Katrina at ang pag-atake noong Setyembre 11, 2001 sa Amerika.

Kung susuriin, may punto na bigkasin ng mga #senti (sentimental) ang WMUWSE kung may mangyayari sakanila sa buwan ng Setyembre na ‘di kanais-nais o kaaya-aya.

Ano ang iyong sariling bersyon ng WMUWSE? Ano ang iyong istorya ng pagkawala o loss?

May kinalaman ba ito sa pandemya o bago pa man ang CoViD-19 ay nasa puso at isip na natin ang lungkot sa buhay?

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa isang kilalang clinical psychologist na aking nakapanayam, maaaring magkaroon ng kalungkutan o grief sa anomang yugto ng ating buhay. #It is okay to grief!

Ang mabuting balita ay maaari rin tayong makaalpas dito kung kikilalanin natin ang ating nararamdaman bilang kalungkutan. We need to name it to tame it.

Matapos itong gawin ay isunod ang pag-iisip ng mga magagandang nangyari o sitwasyon sa ating buhay para mas mangibabaw ito laban sa kalungkutan.

Panghuli ay ang paglalagay ng ating sarili at sitwasyon na may tamang pananaw.

Ang mga halimbawa ng mga loss o grief ay ang pagkakahiwalay sa pamilya tulad ng dinanas ng mga locally stranded individuals at overseas Filipino workers na na-quarantine.

Isa pa ang loss of habits and habitats. May meme pa nga na tapos na raw sila sa kanilang house tour dahil naikot na nila ang bawat sulok ng kanilang bahay. Nagbago ang mga routine at ritual ng mga tao.

Ang ating mga palagay at agam-agam sa atingseguridad ay isa pang loss or grief dahil iniisip natin na baka bukas ay ‘di na tayo sikatan ng araw. Bukod pa rito ay kung sakaling maospital, bawal ang dalaw kung nagka-virus at malala ang lagay.

Minsan sanhi din ng pagkadismaya ang pagkawala ng tiwala sa mga namumuno dahil sa pabago-bagong desisyon nila. Napansin n’yo ba ito sa pagtatalo nila ukol sa physical distancing sa mga pampublikong sasakyan? Na-stress din ba kayo?

Kahit nakikisimpatya lang tayo ay maaari itong pagmulan ng loss dahil lahat ay aktibo sa social media ay naaapektuhan sa mga balita ng pagkamatay o pagkakasakit ng mga tao lalo na kung malalapit na kaibigan ang nabiktima.

Kaya ang loss o grief ay pangkaraniwang karanasan ng bawat tao sa anomang panig ng mundo. Hanggang may mga #attachment tayo sa ating buhay ay sigurado na may mawawala o mawawalay.

Kahalintulad nito ang email. Madalas ‘di kumpleto ang mensahe kung walang naka-attach na dokumento.

Muli, para maibsan ang lungkot at maka-move on ay kailangang tanggapin ang katotohanan na may kabanata sa ating buhay na ‘di masaya. Normal lang ito.

Kaya nating manaig laban sa kalungkutan at sa sakit na dala nito. Kailangan natin na maging flexible at mag-adjust sa mga pagbabago dulot ng pagkawala ng isang tao, bagay o ginagawa sa ating buhay.

Ang pagpapalit ng malungkot na emosyon tungo sa pagtanggap sa kasalukuyang sitwasyon ay ang susi para maging maligaya gaya ng dati.

Makakamit ito kung magkakaroon tayo ng pagbabalik tanaw sa buhay bago pa man dumating ang dagok o pagsubok. Gayundin, magkaroon ng oras para sa sariling plano sa kinabukasan. Ang nasa pagitan nito ay ang pagkatuto na mamuhay kasama ang lungkot at kung paano mag-lelet go.

Palayain ang sarili at tuparin ang #lifegoals ngayon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.