Abante Tonite Interactive

AWOL army, 15 pa nalambat sa buy-bust

275

Labing-anim na drug suspect kabilang ang isang ‘Absence without official leave’ (AWOL) na miyembro ng Philippine Army ang nadakma sa ‘round-the-clock drug operation’ sa Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier Gene­ral Joselito T. Esquivel Jr., ang mga nadakip na sina Eril Laustristica alyas ‘Toto’, 33, AWOL Army at Daisy Prutente, alyas Che, 39, kapwa residente ng Brgy. Immaculate, sa nasabing lungsod.

Sila ay nadakip ng pinagsanib na operatiba ng Cubao Police Station (PS-7) sa pamumuno ni PLt. Col. Giovanni Hycenth Caliao at Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA), dakong alas-10:30 nang gabi (Hunyo 18), sa EDSA North Bound, Cubao. Nakumpiska sa kanila ang walong sachet ng shabu at buy-bust money.

Sa La Loma Police Station (PS-1) na pinamumunuan ni PLt. Col. Camlon Nasdoman ay naaresto naman sina Renato Santos, alyas ‘Ato’, 46, ng Brgy. Salvacion; Adrian Paul Damian, 19, at Erick Tepace, kapwa-taga Bulacan. Nasamsam sa mga ito ang pitong sachet ng shabu.

Habang sa Masambong Police Station (PS-2) naman sa ilalim ni PLt. Col. Rodrigo Soriano ay nadakip si George Garcia alyas ‘Angie’, 31. Siya ay kabilang sa Directorate for Intelligence (DI) watch list.

Kabilang rin sa mga naaresto sina Juanito Lim, 23, Julian Lungalong, 21; Clark Ladero, 33; at Die­go Sabihon, 30; Angelito Pabro, 44; Reynante Bermillo, 38; Jimmy Aguilar, 55; Jose Bartolome, 62; Moises Bautista, 24, at Ernesto Gumilan, 47-anyos. (Dolly Cabreza)