Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Awol cop na sangkot sa droga tinodas

0 68

Patay ang isang dating pulis matapos na pagbabarilin habang nakasakay sa kanyang yamaha motorsiklo, sa Vitas, Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si dating P/Sgt. Drandreb Cipriano, 47, residente ng 407 Lallana Street, Tondo dahil sa tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang krimen alas-9:10 Huwebes ng umaga habang lulan ang biktima ng kanyang itim na Yamaha Mio. Pagsapit sa Vitas, kanto ng Bonifacio St., Tondo, ay bigla itong pinagbabaril ng isang ‘di nakilalang suspek.

SM food to go Banner Ad

Mabilis na tumakas ang suspek patungo sa direksiyon ng Ugbo Street. Nakuha mula sa biktima ang isang kalibre .45 na baril.

Nabatid na taong 2006 naging kabilang ang biktima sa target ng Criminal Investigation and Detection Group dahil sa hinihinalang nagsu-supply ng iligal na droga sa Tondo, dahilan para muntikan na umanong mauwi sa madugong komprontasyon.

Nag-absent without leave rin si Cipriano matapos na magpositibo sa iligal na droga sa isinagawang drug testing ng Manila Police District noong 2014.

Patuloy ang imbestigasyon sa posibleng motibo sa pagpaslang sa biktima at pagkakilanlan ng suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.