Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Awol na parak, 7 pang kasabwat dapa sa buy bust

0 177

TINATAYANG P170K halaga ng shabu ang nasamsam sa pagkakaaresto sa isang dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) at pito pa nitong kasamahan sa buy bust operation sa Bacoor City, Cavite, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang naarestong sina Wilson Sabado, dating nakatalaga sa Southern Police District (SPD) subalit nag-AWOL noong 2016; Jessie Aquino, 54; Alfredo Toledo, 50; Paul Harris Odivila, 36; Denmark Santianes, 23; Dennis Ayeras, 35; William Ducalang, 39 at Alexander Sementina, 33.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ng PSSgt Christian Nel Cuevas, ng Bacoor City Police Station, alas-10:15 Biyernes ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang operatiba ng Bacoor CPS sa Brgy Panapaan 3, Bacoor City Cavite na ikinadakip ng walo.

Ang anim ay naaresto matapos makipag-transaksiyon sa mga operatiba habang sina Odivilas at Sementina ay isinama nang maaktuhang nagpa-pot session sa bahay.

Nasamsam sa kanila ang tinatayang 25 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang pakete ng sigarilyo. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.