Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Awra, Buknoy Glamur nangangamoy sapakan

0 125

NI: ALWIN IGNACIO

Ang nenita maricones na sina Awra Briguela at Buknoy Glamur, papatulan pa ba natin ang mga talakan?

Huwag na! Parang mas kaabang-abang pa kung magsasapakan sila para makita talaga kung sino ang fierce at hindi pikon.

‘Yang mga away baklang iyan na sa social media dinadadaan, alam na alam na yan na nagtatapang-tapangan lamang.

Mas gusto kong malaman kung ano ang damdamin ni Briguela tungkol kay Feng dela Cruz, ang lalaking diumano ay ni-use me in a sentence siya. Si Feng kasi ang isa sa mga leading men ni Glamur sa pinagbibidihan nitong BL drama.

May nagpadala sa inyong lingkod ng trailer nito at juice colored, nakakasulasok with a capital N ang mga nangyayari.

At huwag niyong itanong sa akin ang pamagat nito dahil binaon ko agad sa limot noh!

Ang tanong kung magpapambuno sina Awra at Buknoy saan niyo gustong maganap ang away? Sa kankungan? Sa maputik na bukirin? O dun sa patay na ilog sa Malabon?

Leave A Reply

Your email address will not be published.