Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Awra na! Mga barberya, salon bukas na

0 329

Puwede na ulit umawra dahil balik-operasyon na ang salon at barberya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ilalim ng modified general community quarantine ay puwede nang i-avail ng mga balidosa ang mga sumusunod gaya ng haircutting services, hair treatment, nail care, basic facial care gaya ng make-up, eyebrow threading, eyelash extension at facial massage gayundin ang basic personal care services tulad ng waxing, threading, shaving, foot spa, at hand spa.

Simula July16, sinabi ni Roque na puwede 50% nang puwedeng mag-operate at 75 capacity ang nasabing mga establisyumento sa mga GCQ at MGCQ areas.

“Ipapatupad ang mga ito sa ilalim ng mahigpit na protocol sa hand sanitation, face mask or face shield, gwantes, at sterilized equipment,” bilin pa nito. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.