Abante Tonite Interactive

Axelum Resource Corp nakabenta ng 170 toneladang organic coconut milk powder

0 256

Nakasara ng kasunduan ang Axelum Resource Corp., manufacturer at exporter ng coconut products, para sa mag-export ng 170 metric tons ng organi­c coconut milk powder.

Kahapon pa lang nasali ang Axelum Resource Corp. sa Philippine Stock Exchange (PSE) kung saan ma­kabibili na ng shares ng kompanya at nakalikom ito ng P4 bilyon sa mga shares na nabenta nito sa publiko.

Sabi ni Axelum pre­sident Henry Raperoga, gagamitin ang binili sa kanilang organic cococonut milk powder ng isang international company para gamitin sa mga skin care pro­ducts at supplement nito at ganitong klaseng mga produkto ang nais nilang gawin dahil mas malaki ang tubo rito.

Isa ang Axelum sa mga nangungungang manufacturer at expor­ter ng coconut water at supplier ito ng Vita Coco, ang nangu­nguna sa mundo pagdating sa coconut water.

Nag-e-export din ang Axelum ng dessicated coconut, coconut milk powder, gata, mantika na galing sa kopra at iba pang mga coconut product.

Ang planta ng Axelum ay nasa Medina, Misamis Oriental at may mga distribution facilities ito sa Estados Unidos at Australia. (Eileen Mencias)