Axie gamer target na rin ng BIR

Sinasabing sa laki ng kinikita sa larong Axie Infinity ay may mga nakabili ng sasakyan o nakapagpatayo ng sariling bahay.
Kaya bagaman natutuwa umano ang pamahalaan sa pamamaraan ng pagkita ng ilang Pinoy ay nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga manlalaro ng cryptocurrency-based gaming platforms tulad ng Axie na kailangan pa rin nilang magbayad ng buwis.
“At the end of the day, may flow of income na pumasok sa ating players, so income rin po ‘yan na pupuwede pong maging taxable,” ani BIR Deputy Commissioner for Legal Group Marissa Cabreros sa isang briefing.
“It doesn’t mean na napunta kayo sa digital arena o digital world, eh hindi na kayo magdedeklara o hindi na kayo taxpayer,” paalala niya pa.
Ang lahat aniya ng mga manlalaro, “scholar” man o “breeder” na kumikita sa Axie ay kailangan magbayad ng tax at magparehistro sa BIR New Business Registration. (Kiko Cueto)