Abante Tonite Interactive

Aya nakakabitin

436

Sa pangalawang pagkakataon, hindi naabot ni Aya Abesamis ang titulo ng kanyang ina na si Desiree Verdadero bilang Miss Universe runner-up.

Sa unang laban niya sa Bb. Pilipinas nu’ng 2018 ay wala itong nasungkit na titulo. Ngayong 2019 ay naging first runner-up siya. Mukhang nagka-baligtad lang sila ng kapalaran ni Vickie Rushton. Nganga nga-yon si Vickie na first runner-up nu’ng 2018.

Maikli at bitin ang sagot ni Aya sa Q&A ni Nadine Lustre tungkol sa maipapayo niya sa isang 16-year-old para maging empowered young lady.

Mukhang nagkulang ito sa pandinig ng mga hurado para makuha siya sa anim na titulo ng Binibini.

Keri rin daw kung nanalo sanang Bb. Pilipinas Supranational 2019 si Aya.

Pero hindi siya bitter sa nangyari. Kaaya-aya pa rin siya bilang kinatawan ng Pasig City.

Mensahe niya sa kanyang Instagram account (@ayabesamis): “I have so much to be thankful for … To my ever supportive family, relatives, friends, co-candidates, past queens, Team Aya , Aces & Queens, Trainers, and my #AYAMAZING family and more —-will be tagging you. I Appreciate you taking time out of your busy days to help me out and mold me to who I am today. Thank you for your patience, support and for believing in me all through out.

“My life is blessed with amazing people like you. Thank you for being part of my journey. This is for you. Maraming Sala-mat po!” (Roldan Castro)