Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayanna nagparaos sa isda; nakakawindang ang ending ng ‘Putahe’

0 74

Inosente at virgin ang tipo ni Ayanna Misola sa pelikulang ‘Putahe’ ng Vivamax.

Sa private screening pasabog agad ang umpisa ng pelikula dahil nagparaos siya sa isda.

Ito ang ginamit niyang kumamot ng kanyang ‘kati’.

Tinanong ng Tonite writer na si Nonie Nicasio kung hindi ba siya nag-alala na baka makapasok ito kung saang parte ng katawan niya?

“Hindi naman po kasi mahigpit ‘yung hawak ko doon,” pakli niya sabay tawa.

“Kailangang-kailangan ko kasi siya (sa eksena),eh!Pero nahilo siya after kaya nakawala. Nahilo siya sa mga ginawa ko sa kanya. Ha!Ha!ha! ,” dugtong ni Ayanna.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hirit pa niya buti na lang daw natapos nang kunan ang eksena bago ito nakawala.

Ngayong Mayo 13 ang streaming sa “Putahe” ni direk Roman Perez, Jr. Mas maganda ito sa ‘Adan’ at isa na namang pelikula na hihilera sa kanyang mga blockbuster sexy titles sa Vivamax, tulad ng “Taya”, “The Housemaid”, “House Tour”, “SIKLO”, “Hugas’, at “Iskandalo”.

Si Ayanna ay gumaganap bilang Jenny, babaeng taga-isla na may malaking pangarap sa buhay. Magiging masugid na tagahanga siya ng isang dayo sa isla na magaling magluto.

Si Euka ay ginagampanan ng Miss Philippines Earth 2019 na si Janelle Tee. Pauunlakan niyang turuan si Jenny ng pagluluto. Ngunit higit pa roon, siya ang magpapatikim kay Jenny ng unang karanasan sa sex. Ito ang lekyson na hinding-hindi maliliimutan ng dalaga.

Simula noon, hindi na mapigilan ni Jenny na sumiping sa kanyang nobyo na si Ephraim (Massimo Scofield). Habang tuluyan nang nawawala ang kanyang pagka-inosente, tila mawawala naman ang interes ni Ephraim sa kanya. Kumbinsido na may kagagawan dito si Euka, may bagay na gagawin si Jenny na hindi aakalain ng iba na kaya niyang gawin.

Humanda sa maiinit at maseselang eksena.Pati na rin ang nakakawindang na twist at ending nito. Dun kami talaga bilib kay direk Roman dahil may sorpresa sa dulo ng kanyang mga pelikula.

Leave A Reply

Your email address will not be published.