Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayanna tinuruan ng sex ni Janelle

0 59

NI: Alwin Ignacio

Literal na feast for the senses ang “Putahe” ni direktor Roman Perez Jr. na napapanood na sa Vivamax.

Talagang innocent girl ang dating ni Ayanna Misola. At parang si Monica Belluci si Janelle Lee sa “Malena”.

At matalino ang pagkakatahi sa kuwento ng pelikula na pinapakita ang paggamit sa sex, para ipakita ang kalakasan at kahinaan ng mga lalaki at babae. Ginagamit din ito sa tawag ng laman para makaisa, makamalamang, makapanukso, makapanlinlang.

SM food to go Banner Ad

Si Ayanna, ipinapaala ang dating halina, at husay ni Anna Marie Gutierrez na sinagpang ang kanyang pagka-aktres sa mga pelikulang “Scorpio Nights” at “Unfaithful Wife”. Hindi lang may ibubuga at ikakasa si Misola sa pag-arte, alam at dama mong may talento ito na mapapanday pang lalo.

Playing for truth ang girl on girl sexual congress nila ni Janelle at makikita mo ang pagkakaiba ng pagkatao ni Jenny (Ayanna) mula sa isang babaing walang muwang na nag-aalangan pa sa kanyang umuusbong na libog hanggang sa maging tila bihasa sa pagpapaligaya at pang-aakit. Tinuruan siya ni Janelle pagdating sa pagtatalik.

Sa mga artistang lalaki, sobrang believable ang tambalan nina Ayanna at Massimo Scofield bilang Ephraim. Sa simula, para silang sina Brooke Shields at Chris Atkins sa “Blue Lagoon” hanggang sa dumating nga ang pagkakataon na sila ay tunay na madaramang at nagtalik.

Para sa diva that you love, hindi bastos ang sexual congresses sa “Putahe”. There is something delicate, raw, sensual and vulnearable na ipinadama ng katauhang nagniig sa pelikula.

Leave A Reply

Your email address will not be published.