Abante Tonite Interactive

Ayaw gayahin ang magulang: Loisa kapit-tuko kay Ronnie

573

Aminado si Loisa Andalio na na-trauma siya sa hiwalayan ng kanyang mga magulang.

Katunayan, nasabi niya sa sarili niya noon na kung magkakaroon siya ng relasyon o ng boyfriend, gusto niya ay pangmatagalan na ito o panghabambuhay.

Kaya naman, noong nakakaranas ng pagsubok ang relasyon nila ng boyfriend na si Ronnie Alonte, talaga raw ipinaglaban niya na hindi ito mauwi sa hiwalayan.

“Naalala ko ‘yung muntik na siyang sumuko. Ang sakit e, ang hirap. Ayaw ko nang salitang hiwalay. Parang nangyari na sa akin sa magulang ko, ayoko na siyang mangyari sa akin. Parang natra-trauma na ako sa salitang hiwalay kaya kapag naririnig ko siya parang hindi ko kaya. Pero hindi mo naman mapipilit ‘yung tao kung hindi ka naman mahal,” pahayag ng bida ng “James and Pat and Dave”.

Sa mga nagsasabi namang kapit-tuko siya kay Ronnie at ayaw nang pakawalan, keber lang daw niya.

Ang importante raw ay patuloy silang naggo-grow sa kanilang relasyon at kung meron man silang natututunan, ito ang give and take. (Archie Liao)