Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayaw katiket si Digong: Inday Sara tatakbong independent

0 88

Tatakbong independent si Davao Mayor Sara Duterte kung sakaling magdesisyon itong tumakbong pangulo sa 2022 elections.

Ito ang nilinaw ng Hugpong ng Pagbabago (HNP), ang partidong kinaanibang ng alkalde kasabay na rin ng pagsasabing hindi interesado ang alkalde na maka-tandem ang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa virtual press conference, ipinaliwanag ni HNP Secretary General at spokesperson Anthony Del Rosario na tatakbo independent ang alkalde kung magdesisyon man itong tumakbong pangulo dahil ang HNP ay isang regional party na hindi niya maaaring gamiting partido sa national position.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Tulad ng sinabi niya she will remain as HNP, so ang mangyayari niyan kung magpasya siyang tatakbong presidente, she will running as independent,” ayon kay Del Rosario.

Kasabay nito, muling nilinaw ni Del Rosario na nagbitaw na rin ang alkalde na hindi siya interesado o nakikita na maka-tandem ang kanyang ama o ang Duterte-Duterte tandem.

“Nabanggit na si Mayor Sara na ayaw nga niya Duterte-Duterte tandem. Nabanggit niya na hindi siya interesado at she doesn’t see a Duterte-Duterte tandem,” ayon kay Del Rosario.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia lumitaw na nangunguna ang alkalde sa mga kandidato sa 2022 presidential elections at ang pangulo sa vice presidential race. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.