Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayaw kumain, anak sinakal to death

0 140

Maagang binawian ng buhay ang isang 7-anyos na lalaki matapos itong sakalin at ilang ulit na suntukin ng kanyang ama dahil lang sa pagtanggi nitong kumain sa Taguig City noong Linggo ng gabi.

Nakakulong na at nahaharap sa kasong parricide ang suspek na si Arnold Pedriguez, 28, taga-Road 39 Block 5 lot 12 Barangay North Daang Hari, Taguig City.

Sa ulat ng pulisya, pinapakain umano ng suspek ng hapunan ang biktima bandang alas-9:00 ng gabi noong Linggo pero tumanggi ang huli. Pinaalalahanan umano ulit nito ang pero hindi ito pinansin.

Sa galit ng suspek, sinunggaban umano nito ang biktima, sinakal at saka pinagsusuntok.

Bandang alas-4:20 ng umaga, dinala ang biktima sa ospital pero binawian ito ng buhay.

Dahil dito, isinuplong ng ina ng biktima na si Luz Montales ang suspek na agad namang dinakip ng mga miyembro ng Tanyag-Daang Hari Sub-station 8 ng Taguig City Police Station.

Ikinatuwiran naman ng suspek na nais lang niyang disiplinahin ang anak at nabigla lang siya sa pananakit dito. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.