Abante Tonite Interactive

Ayaw ma-trade Slaughter goodbye na sa PBA

2,805

Hindi na masisilayan ang 7-foot center na si Greg Slaughter suot ang Ginebra jersey sa PBA.

Sa isang nakakagulat na Instagram post, sinabi niyang magpapahinga muna siya sa liga ngayong tapos na ang kanyang kontrata.

“With that, now that my contract has expired, I’ve decided to take a break to be able to work on myself in all aspects,” ani ‘Gregzilla’.

“I may not know what the future holds, but one thing is for sure, the best is yet to come,” aniya pa.

Si Slaughter ay naging key figure sa apat na kampeonato ng Ginebra, binuo ang ‘Twin Towers’ kasama si Japeth Aguilar at ilang taong kinatakutan bilang dominanteng frontline sa PBA.

Nagpasalamat din siya San Miguel Corporation President Ramon S. Ang, Ginebra coach Tim Cone, management, coaching staff, mga teammate at sa mga fan.

“Six years, four championships, a lifetime of experiences and memories. It’s been a fun ride to have played for Ginebra, a dream of mine that came true when they drafted me in 2013.”

Ang pagpapahinga ni Slaughter sa PBA ay kasunod ng rumor na ite-trade siya kasama si rookie Jerrick Ba­lanza para kay NorthPort big man Christian Standhardinger.

Si Standhardinger ay hinahanapan din ng paraan mula sa Batang Pier upang mapabalik sa San Miguel Beer matapos magka-shin fracture sa kanang tuhod noong Lunes at inoperahan na rin kinabukasan. Malamang buong season na siyang magpapahinga. (Raymark Patriarca)