Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayaw mag-facemask dinakma

0 48

Apat na katao ang inaresto dahil imbes na sumunod sa health protocol ay nagmatigas at nakipagtalo sa hindi umano pagsusuot ng facemask sa Bacoor City, Cavite Huwebes ng gabi.

Kasong Alarm and Scandal at paglabag sa RA 151 ng RPC at RA 11332 (No facemask) ang kinakaharap ng suspek na sina John Michael Javier y Funes, 24; Elpidio Lora y Alegre, 23, binata; Steven Sarabia y Diksosa, 39, barker, at Ari King Herrera y Puerto, 31, construction worker, pawang taga-Cavite.

Sa ulat ng Bacoor City Police Station, nagpapatrulya ang mga barangay tanod sa Brgy Singuelasan, Bacoor City, Cavite alas-3:00 kamakalawa ng hapon nang madaanan si Javier na hindi naka-face mask.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ganito rin ang sitwasyon sa Sitio Tibag Sulok St., Panapaan III kung saan namataan din si Lora na naglalakad na walang face mask alas-11:00 kamakalawa ng gabi.

Nadaanan din ng mga barangay tanod sa Brgy Queensrow West, Bacoor City, Cavite sina Sarabia at Herrera na wala ring suot na facemask alas-7:00 kamakalawa ng gabi.

Plano lamang na pagsabihan ang mga ito subalit imbes na sumunod at mag-facemask ay nagmatigas at nakipagtalo umano ang mga ito dahilan upang tuluyan silang arestuhin. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.