Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayaw magbayad ng tenant

0 365

Hi Atty. Claire!

An avid fan po ako. In fact nakausap ko na po kayo sa phone dun. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan and as pretty and cheerful as before ngayong pandemic.

Magtatanong po ulit sa na ako sa inyo. Paano po ang gagawin ng isang nagpapaupa kung ayaw po magbayad ng kanyang tenant? Isang taon na po. Pero rights lang po sa lupa ang hawak nung nagpapaupa ng bahay. Bale po nabili nya ang rights ng lupa at pinatayuan nya ng maliit na paupahan sa tabi ng bahay na kanyang tinitirahan. Nasasakop din po ng rights yung lupa ng bahay nya.

Nagka-baranggayan na po sila pero wala din pong nangyari at mukhang balak ng tumira nung tenant ng habambuhay ng hindi nagbabayad.

Maraming salamat po.

Sa inyo’y lubos na gumagalang,

Gabriel

Mr. Gabriel,

Kapag ang isang tenant ay pumayag at sumang ayon sa isang upahan at kinikilala niya ang nagpapaupa bilang siyang may karapatan at may-ari ng lupa na uupahan ay hindi niya maitatatwa o made-deny ang karapatan ng kinilalang landlord. May titulo man o walang hawak na titulo ang landlord ay hindi na makakaila ng tenant na may karapatan ito na paalisin siya sa lupang kanyang nirentahan o inupahan.

Sa kaso ng JOSIE GO TAMIO v. ENCARNACION TICSON, G.R. NO. 154895 dated November 18, 2004 sinabi ng Supreme Court:

“Indeed, the relation of lessor and lessee does not depend on the former’s title but on the agreement between the parties, followed by the possession of the premises by the lessee under such agreement.As long as the latter remains in undisturbed possession, it is immaterial whether the lessor has a valid title – – or any title at all – – at the time the relationship was entered into. Between the present parties, the lease – – which was actually a sublease – – was effective”.

Sa kaso na sinampa sa barangay para sa pagpapaalis ay unang step para masimulan ang kasong pagpapaalis na isasampa sa korte (kung walang pagkakasundo sa barangay). Hindi dahil sa walang pagkakasundo sa barangay ay dapat nang mawalan ng pag-asa dahil ang barangay naman ay walang karapatan na magdesisyon sa isyu. Ang kanilang obligasyon lamang ay maging tagapamagitan upang maayos ang gusot ng magkabarangay ngunit kung walang pagkakasundo ay mag-isyu na ito ng Certificate to File Action para maisampa na ang ejectment case sa korte.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel Ito ang Batas with Atty. Claire Castro.

Leave A Reply

Your email address will not be published.