Abante Tonite Interactive

Ayaw masigawan: Mataray na aktres nagbantang lalayasan ang director

355

tonite-pak-allan-dionesKilala sa pagi­ging prangka ang isang mahusay at premyadong aktres (MPA) pero medyo nag-mellow na siya through the years.

Sa taping nila ng teleserye ay may mga insidenteng sumisigaw ang direktor nila lalo na ‘pag sa palengke ang location nila at maingay ang mga tao.

Hindi pinangarap ni MPA na masigaw-sigawan din siya ng director nila kaya kinausap niya nang personal si direk.
Ang sabi ni MPA sa direktor nila, huwag siyang sisigawan nito at sa halip ay kausapin na lang siya nito kung may mali man siyang magawa sa eksena.

Mahinahong bilin ni MPA, hatakin na lang siya ni direk sa isang lugar na silang dalawa lang at walang ibang tao dahil kapag sinigawan siya nito ay lalayasan niya ang set.

Mula nang sabihin ‘yon ni MPA ay naging behaved si direk at mas gumanda ang relasyon nila sa trabaho.

Hindi rin naman kasi nagbibiro si MPA. Once na makatikim siya ng paninigaw mula kay direk ay babu talaga siya sa taping, so ayaw ding mangyari ‘yon ng kanilang direktor.

In fairness ay totoo pa rin naman ang ka­sabihan na ang lahat naman ay nadadaan sa maayos na usapan. Kaya ayun, hindi na umabot pa sa puntong kailangang mag-walkout ni MPA.
***

Thea, Mikoy nagkabalikan

Kung uso ngayon sa showbiz ang mga naghihiwalay mereseng katatapos lang ng Araw ng mga Puso, ang mag-ex na sina Thea Tolentino at Mikoy Morales ay nagkabalikan pala.

Naaliw kami sa sagot sa amin ni Thea na, “Hindi na po available,” nang usisain namin siya kung nakikipag-date ba siya ngayon.

Hindi sila magkasama ni Mikoy nu’ng Valentine’s Day dahil nasa Cebu ito, pero last year pa raw na bigla na lang ay sila na ulit.

Na-realize daw nila na huwag na na lang nilang lokohin ang mga sarili nila dahil mahal pa rin naman nila ang isa’t isa. Waste of time na maghanap pa sila ng iba.

Magulo raw ang setup nila ni Mikoy dahil wala silang label, pero hindi naman daw kailangan as long as nagkakaintindihan sila at ‘yun ang nagwo-work sa kanya.

So, bale 1 year daw silang nag-break for growth purposes. All in all ay mga 5 years na silang magkarelasyon.

Nakatsika namin si Thea kahapon sa set ng “Asawa Ko, Karibal Ko” na nasa huling dalawang dalawang linggo na nito sa GMA Afternoon Prime.

Touched si Thea na ang dami na naman niyang natatanggap na papuri sa pagganap niya bilang kontrabida sa buhay nina Kris Bernal at Rayver Cruz.

Tanggap ni Thea na sa mga ganu’ng role talaga siya nagsa-shine at sanay na raw siya na nagiging totohanan ang mga sakitan na eksena.

Sa mga sabunutan nila ni Kris ay nalalagas ang hair extensions niya at nakikita na lang niya sa sahig. Pati mga sampalan nila ay totoo rin, pero pareho silang walang arte ni Kris.

Malaking challenge kay Thea ang gumanap na transwoman na da­ting mister ng karakter ni Kris, pero mami-miss daw niya ang “Asawa Ko, Karibal Ko” at ang lahat ng nakasama niya rito.