Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayaw masita ng PNP, 3 kelot sugatan

0 73

Pawang sugatan ang tatlong kalalakihan na nabaril ng awtoridad matapos makipagpalitan ng putok dahil ayaw nilang masita sa Dasmariñas City, Cavite, Miyerkoles.

Ginagamot ngayon sa Pagamutan ng Dasmariñas ang mga suspek na sina Jose Pepito Rusco, 36-anyos; Abdul Samie, 33, at Domingo Macunay, nasa wastong edad at pawang residente ng Moonwalk IV, Las Piñas City, dahil sa tinamong mga sugat sa katawan.

Sa ulat ni Pat. Roderik Bajado ng Dasmariñas City Police, dakong alas-12:30, Miyerkoles ng hatinggabi, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga operatiba ng PCP 4 Salawag ng Dasmariñas CPS nang parahin nila ang isang kulay puti na taxi na walang plaka.

Pero imbes na tumigil ang nasabing taxi ay pinaharurot ng driver nito ang kotse papalayo sa lugar habang pinapuputukan umano ang mga awtoridad kaya sinundan sila ng huli at gumanti ng putok na nagresulta sa mga sugat at pagkaaresto ng tatlo.

Nang inspeksiyunin ang nasabing sasakyan ay narekober umano ang iba’t ibang uri ng baril. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.