Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayaw naming mabigo ang gobyerno – Robredo

0 125

Muling nagsalita sa sambayanang Pilipino si Vice President Leni Robredo hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng bansa sa gitna ng kinakaharap na COVID-19 pandemic.

Sa kanyang video message sa Facebook na nilabas nitong Lunes, inihayag ni Robredo ang kanyang mga saloobin hinggil sa mga isyung may kinalaman sa paglaban ng gobyerno sa COVID-19 partikular ang mga alegasyong nais ng oposisyon na mabigo ang administrasyon sa pagtugon nito sa pandemya.

“Naniniwala pa rin ako sa mabuting intensyon ng pamahalaan, kabilang na ng mga nasa matataas na katungkulan. Ngunit sa bigat ng ating kinakaharap, hindi sapat ang mabuting intensyon. Kailangan strategic at organized ang pagkilos,” sabi ni Robredo.

“Gusto lang naming tumulong. Ayaw naming mabigo ang gobyerno, dahil kapag nabigo ang gobyerno, tayong mga Pilipino ang magdurusa, tayong mga Pilipino ang magkakasakit at mamamatay. Malaki ang problema, kaya dapat lahat tayo may puwedeng i-ambag. Hindi ito panahon para ipagdiinan ang hidwaang Administrasyon o Oposisyon. Sa panahong ito, ang mahalaga, Pilipino tayong lahat,” aniya pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.