Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayaw pa-swab test sa contact tracing damputin – DILG

0 396

Posibleng maaresto ang mga residente na tatangging sumailalim sa swab test sa contact tracing ng gobyerno para matukoy ang mga dinapuan ng COVID-19, babala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Alexander Macario.

Base sa ulat ng isang lokal na pahayagan sa Cebu, inihayag ni Macario na una nang nagsabi si DILG Secretary Eduardo Año na arestuhin ang sinumang tatangging magpa-swab test on site at maaaring puwersahin ang mga itong mai-test.

Maituturing aniya na banta sa public health ang mga hindi magpapa-swab test at binanggit pa ng opisyal ang Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act kung saan puwedeng sampahan ng kaso sa korte ang sinomang tatanggi magpa-swab test.

Kaya naman nanawagan si Macario sa publiko na sumunod na lang sa mandato at pumayag na magpa-swab test kapag kinatok sa kanilang bahay ng mga contact tracer.

Dagdag niya, ang lunas sa COVID-19 ay ang magbago ng ugali ang mga tao sa mga pinatutupad na health protocol. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.