Abante Tonite Interactive

Ayaw paawat sa droga, esmi tinarakan

272

Dahil sa labis na pagkagumon sa bawal na gamot at ‘di na halos maawat ng kanyang asawa ay nagawang saksakin ng mister ang kanyang kabiyak sa Cebu City.

Nakaratay ngayon sa isang ospital ang ginang na si Janeth Great, 40-anyos sanhi ng tina­mong sugat sa tiyan matapos saksakin ng ma­tulis na kahoy ng mister nitong si Avelino Cartuciano.

Sa report, ayon na rin kay PO1 John James Villamor, ng Mambaling Police Precinct, bago ang krimen ay nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa.

Sinasabing pinaga­litan ng mister ang ginang dahil hindi umano ito maawat sa paggamit ng droga.

Sa gitna ng pag-aaway ay nagawang saksakin sa tiyan ng lalaki ang kabiyak na nagpapagaling ngayon sa ospital.

Bunga naman ng pananaksak ay dinakip ang suspek at nahaharap ngayon sa kaukulang kaso.

Tonite – Wendys Inhouse Ad