Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayaw pabakuna, bahala kayong mamatay, goodbye – Duterte

0 86

Suko na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taong ayaw magpabakuna sa kabila ng nananatiling banta ng COVID-19 sa bansa.

Sa kanyang regular Talk to the People, hindi naiwasan ng Pangulo ang maglitanya dahil ginawa na aniya ng gobyerno ang lahat para makabili ng bakuna subalit marami pa ring tumatanggi na maproteksyunan.

“In face of the reality of death and the number ng namamatay, ayaw pa ninyong magpabakuna, eh wala na akong magagawa. Ginawa na namin ang lahat,” anang Pangulo.

“Yung mga hindi magpabakuna o takot magpabakuna, ba-bye na lang at …sa inyo. Iyan na lang, yan ang dapat sa inyo, ba-bye,” wika ng Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na kapos sa pera ang gobyerno para tustusan ang gastos sa pampaospital ng mga tinatamaan ng COVID-19 kaya dapat na sumunod sa pakiusap ng gobyerno. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.