Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayaw pabakuna posibleng madedo — Duterte

0 50

Walang ibang hahantungan ang mga ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 kundi kamatayan.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ‘Talk to the People’ kasunod ng report ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na marami pa rin ang tumatangging magpabakuna sa kabila ng paulit-ulit na panawagan at pakiusap ng gobyerno.

Ayon sa Pangulo, hindi niya pipilitin ang mga ayaw talaga sa COVID vaccine pero isa lang aniya ang sigurado–tiyak na mapupunta ang panga­lan ng mga ito sa Civil Registrar.

“Kayong hindi magpapabakuna, talagang mamamatay man kayo, sigurado ‘yan. Ang pangalan mo mapupunta sa Civil Registrar kasi tatlo lang ang ililista diyan. Kailan ka ipinanganak, kailan ka nag-asawa at kailan ka namatay,” anang Pangulo.

“Doon ka sa statistics. Ang pangalan mo would be part of the statistics of government kung sino ‘yung namatay itong araw na ito,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.