Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayaw pakawalan: LizQuen tambay sa Dos

0 1,364

NI:VINIA VIVAR

Kinumpirma ni Ogie Diaz na tulad ni Liza Soberano, he’s also co-managing Enrique Gil with Star Magic.

Kung dati ay solong pangangalaga lang ng Star Magic si Quen, ngayon ay manager na rin niya si Ogie. Kinumpirma ito ng reporter/comedian/tv and radio host sa Facebook Live nila ni ABS-CBN reporter MJ Felipe.

This way ay mas madali raw kasing i-negotiate ang LizQuen since hawak niya ito pareho.

At sa mga nagtatanong kung paano na ang LizQuen ngayon, ayon kay Ogie ay natutuwa naman daw sila na maraming offers sa dalawa pero siyempre ay hindi pa raw sila makatanggap ngayon ng projects.

“Hindi kami makasagot kasi siyempre, we’re still grieving (sa nangyari sa ABS-CBN), and then, siyempre, mahirap din naman na magde-decide ngayon,” aniya.

Hihintayin na lang daw muna nila kung anuman ang sabihin ng ABS-CBN management. Kapag sinabi raw sa kanila na pakakawalan na sila, doon pa lang daw sila makakapag-entertain ng projects from the outside.

“Pero so far, wala pang sinasabi ang ABS-CBN na ganu’n, lalo na si Tira Cory (Vidanes), igagalang natin ‘yun. Eh hindi rin naman pwedeng magtrabaho ‘yung mga artista dahil nga medyo tumatas, hindi pa napa-flatten ang curve ng COVID, so medyo delikado pa rin magtrabaho.

“So, hintay-hintay lang kami,” sey ni Ogie.

Well, according naman to a very reliable source, hindi pakakawalan ng ABS-CBN ang mga prime artists pero ‘yung mga walang network contract ay sinabihan na umano na pwede na silang lumipat ng ibang network, kumuha ng ibang manager or management, pwede ring magpa-co-manage at pwede ring mag-stay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.