Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayaw panagutan ng lover, buntis nagbigti

0 368

Dahil ayaw panagutan ang dinadala sa sinapupunan, isang buntis ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanyang kuwarto sa Isabela noong Linggo.

Kinilala ng Echague Police Station (EPS) ang biktima sa pangalang “Alicia”, 29.

Sa inisyal na report ng EPS, nitong huli ay naging madalas umano ang pag-aaway nina Alicia at kanyang live-in partner kung saan madalang umanong umaalis nang hindi nagpapaalam ang lalaki mula nang malamang nagdadalantao ang biktima na ayaw nitong panagutan.

Nagbanta pa umano ang biktima na magpapakamatay pag di siya pinanindigan, na siya nitong isinakatuparan.

Sa isinagawang autopsiya, napag-alaman na 2-buwang buntis si Alicia.

Masusi ngayong pinaghahanap ang karelasyon ni Alicia upang magpaliwanag sa insidente. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.