Abante Tonite Interactive

Ayaw panagutan ng nakabuntis na BF

By
639

Dear Atty. Claire,

Attorney.. nabuntis po ako ng boyfriend ko at ayaw nya eto panagutan… nahihirapan na po ako sa situation ko.. ang mga magulang ko naman ay wala nang kakayahang tulongan pa ako sa pinagdadaanan ko… Ang nag-iisang solusyon na lang po ang nasa isip ko ay ang ipaampon ang bata pagkapanganak ko.. Sa paraang yun maaa­ring maibigay ng mag-aampon ang buhay na di ko kayang ibigay sa batang ipinagbubuntis ko.. saan ko po ba puwede ipaampon o ibigay ang bata pagkapanganak ko?? Sana po matulungan ninyo po ako.

Kring

Kring,

Related Posts

Nakakalungkot isi­pin na iyong taong minahal mo ang siyang magbibigay ng pahirap sa iyo at sa batang isisilang mo. Pag-isipan mo muna kung handa na ba talaga ang puso mo na mawalay ang magiging anak mo sa iyo dahil baka ito ay iyong pagsisihan sa mga darating na araw.

Marami akong nakikitang mga ina na naghahanap-buhay talaga kahit nag-iisa lamang sila para mabuhay ang kanilang anak. Minsan ay hindi natin kailangan ang lalaki sa buhay para ibigay ang tamang buhay sa anak. Kaunting pagsisikap lamang, dasal at pana­nalig sa Diyos upang makaraos sa buhay.

Kung alam mo naman na talagang mahihirapan ang batang isisilang mo sa iyong kamay ay makipag-ugnayan sa pinakamalapit na social worker o sangay ng DSWD na nakatalaga sa iyong lungsod o probinsya para masabing nais na mapaampon ang anak. O kaya naman ay makipag-usap din sa pamunuan ng mga bahay ampunan upang mailagay mo ang magiging anak mo sa tamang kamay at alam mong hindi nagagamit ang anak mo sa human trafficking o kaya naman ay maibenta ng mga sindikato sa iba.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o mag e-mail sa attorneyclaire@gmail.com