Abante Tonite Interactive

Ayaw sisihin si Regine: 3 buwan na pagkawala sa ‘ASAP’ iniyakan ni Angeline

1,654

Kaaliw ang kuwento ni Angeline Quinto na na-depress daw siya dahil akala niya ay tanggal na siya sa “ASAP Natin ‘To.” May 3 months daw siya noong hindi napanood sa nasabing variety show kaya araw-araw daw yata ay umiiyak siya that time.

“Kasi isipin ninyo, for 8 years po, simula nang nanalo ako sa ‘Star Power,’ eve-ry Sunday akong nasa ‘ASAP,’ tapos biglang hindi.

“So, hindi ako sanay ng walang ginagawa nang Linggo, nasa bahay lang ako, hindi ako nanonood ng TV, talagang nasa kuwarto lang ako,” sey ni Angeline sa interview sa kanya recently.

So, dahil nga ilang buwan siyang hindi napapanood, isang umaga ay tinanong daw siya ng kanyang Mama Bob kung wala na ba siya sa “ASAP” at dito raw siya talaga tinamaan.

“So, ang sakit. Parang ‘aaaw.’ Sabi ko na lang sa kanya, ‘wait lang, Ma, sandali lang, may kukunin ako sa taas.’ Tapos ‘yun, iyak ako nang iyak,” sabi ni Angeline.

Ang dami rin daw tala-gang nagtanong sa kanya that time at pati ang sarili niya ay tinanong niya.

“Pero naintindihan ko naman po after na ipaliwanag sa akin ng management. So, naintindihan ko naman po lahat. So ngayon, kahit paano, unti-unti naman po akong nakakabalik sa ‘ASAP,’” aniya.

Kaya ngayon, inaantay na lang daw niya na makatanggap ng message na may “ASAP” siya this week. Hindi na raw siya masyadong nag-e-expect ngayon.
‘Pag nag-“ASAP” daw siya this week, hindi na raw niya ine-expect na tatawagin siya ulit next week.

May nagsasabi na dahil kay Regine Velasquez kaya maraming nawawala sa “ASAP” pero ayon kay Angeline ay hindi naman daw dapat isisi ito sa Asia’s Songbird.

“Alam kong hindi dahil sa kanya, siguro, marami lang talagang gustong subukan (na a­rtists). Kasi siyempre, ‘di ba, from ‘ASAP,’ nagpalit ng ‘ASAP Natin ‘To,’ so, talagang maiiba rin talaga ‘yung mga production numbers na gusto nilang gawin every Sunday. ‘Yung mga artists po na regular, siguro, puwedeng huwag na muna ngayon, pero babalik din naman siguro.

“Pero hindi dahil kay Miss Reg. Ako, hindi naman ako naniniwala du’n. Siguro, bilang fan din kasi ni Miss Reg, hindi ako nag-iisip ng ganu’n,” sey pa ng singer.
***

Daniel excited sa movie
nina Kathryn, Alden

Dahil tapos na ngang i-shoot nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang first movie nilang “Hello, Love, Goodbye,” next month ay puro promo naman daw ang gagawin nila.

Natutuwa si Kathryn na this early ay marami nang naglu-look forward sa movie at maging ang boyfriend nga niyang si Daniel Padilla ay isa rin sa excited na sa film.

Kumusta namang katrabaho si Alden?

“Magaan. Hindi naging mahirap sa akin, sa lahat. And mabait, super-bait,” she said nang makausap ng press sa katatapos lamang na 35th PMPC Star Awards for Movies.

When asked kung may pelikula ba naman silang gagawin ni Daniel ulit, aniya, for sure naman daw ay meron, hindi pa lang daw niya alam kung kalian.

Nang matanong naman si Daniel, aniya ay very proud siya sa girlfriend sa mga ginagawa nito at buong-buo ang suporta niya sa movie nito with Alden.