Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayaw tigasan, lolo nagbigti

0 413

Dahil diumano sa hindi na pagtigas ng kanyang ari, tinapos ng isang lalaki ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa loob ng kanyang kuwarto sa Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa.

Ayon kay Laoag City Police Station officer-in-charge P/Maj. Arnel Tabaog, sinabi ng pamilya nito na bago nagpakamatay ang 71-anyos na lalaki ay sobrang lungkot niya kaugnay ng kanyang problema sa ari. Sinabihan na rin umano ng kanyang pamilya ang matanda na natural lang ito dahil sa kanyang edad.

SM food to go Banner Ad

Gayunman, laking gulat nila noong makita ang lolo na nakabitin na sa loob ng kanyang kuwarto gamit ang nylon cord. Dagdag ni Tabaog, hindi umano ito ang unang pagtatangka ng senior citizen na wakasan na ang kanyang buhay kung saan ang una ay naglaslas ito ng kanyang pulso.

Agad na isinugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan ngunit hindi na naisalba pa. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.