Abante Tonite Interactive

Ayesha dinilaan si Curry

3,873

Habang busy ang iba at may hangover pa sa 69th National Basketball Association 2020 All Star Weekend sa Chicago, may iba namang binubutingting si two-time MVP Stephen Curry.

Ito ay ang sweetness overload nila ng kanyang misis kung saan habang nagchi-chillax ang mag-asawa ay dinidilaan naman ng kanyang misis na si Ayesha ang NBA superstar.

Sa Instagram post ni Curry, makikitang karga-karga niya si kumander habang dinidilaan naman siya sa noo.

“Vacation vibes with my one and only like dat!,” sey pa ni Curry.

Nagpapagaling pa si Curry mula sa operasyon noong Nobyembre sa pilay sa kaliwang kamay. Inaasahang makakabalik siya sa laro sa Marso. (Aivan Episcope)