Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayo baka sa ibang Letran – Alfrancis

0 107

Agad na pinabulaanan ni Colegio De San Juan de Letran men’s basketball team coach Bonnie Tan ang mga naglabasang ulat na papalitan siya kahit binigyan niya ng korona ang Knights noong isang taon sa kalagitnaan ng kontrobersiya na nagaganap sa paglabag ng mga kolehiyo sa safety guidelines at health protocol laban sa coronavirus disease.

“May kulang yata sa tweet, nakikipag-swap ng position lang naman,” ni Tan sa kanyang FB account nitong Biyernes kasama ang emoji na nakatawa.

Agad ding sinuportahan si Tan ng isa sa mga matalik niyang kaibigang si San Miguel Corporation sports director Alfrancis Chua na nagkomento sa post.

“Baka sa ibang Letran papunta coach nila (nagbitiw sa University of Santo Tomas na si Aldin Ayo). Iisa lang Letran ang alam ko at ang coach dun si Bonnie Tan,” ani Chua na siya ng board governor at team manager ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings sa Philippine Basketball . (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.