Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayo ipinahamak ang UST

0 74

Hindi lang inilagay sa panganib ang mga estudyanteng atleta, ipinahamak din nang nagbitiw na University of Santo Tomas Growling Tigers coach Aldin Ayo ang prestihiyo at dignidad nang pinakamatagal ng unibersidad sa bansa.

Ito ang isinawalat ng isang mataas na opisyal ng pamantasan matapos tuluyang patawan ng pamunuan ng UST ng indefinite ban ang minsan naging UAAP at NCAA Coach of the Year.

“UST’s legal team recommended sanctions to be placed on Ayo since the bubble was w/out school approval,” hirit ng source ng Abante TONITE Sports. “Aldin can no longer even have a consultant role Alumni & former UST players are pushing for Pido (Jarencio) as new coach. Siot (Tanquingcen) still in the running. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.