Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayo, Miguel wanted sa IATF probe panel

0 153

Dapat nang sumipot sina coaches Aldin Ayo ng University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers at Norman Miguel ng National University (NU) Lady Bulldogs o kanilang kinatawan sa Setyembre 1 na Inter-Agency Task Force o government-led panel inquiry sa quarantine violation ng kanilang collegiate teams.

Pumutok sa social media ang training bubble ng España-based men’s basketball team sa Sorsogon nitong Hunyo-Agosto kasabay sa away nina Ayo at Crispin John Cansino, habang nabisto rin sa socmed ang training camp ng women’s volleyball squad sa Laguna sa kabila na may COVID-19 pa.

SM food to go Banner Ad

Sa ilalim ng batas, bawal pa ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) teams na mag-ensayo, at tanging ang mga professional sports na basketball at football pa lang ang pinayagang makabalik nitong August 25.

Bumubuo sa probe panel ang Philippine Sports Commission (PSC), Department of Health (DOH), Games and Amusements Board (GAB) at Commission on Higher Education (CHED). (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.