Abante Tonite Interactive

Ayoko ng bokya

523

May isang dekada na akong nagtuturo sa kolehiyo. Alam ng mga na­ging estudyante kong mahilig akong magbigay ng surprise quiz. Kaya kung hindi ka nag-aral o nagbasa man lang, malamang bokya ka!

Sa totoo lang, hindi nakukuha nang overnight ang perfect scores sa mga pagsusulit. Importanteng magkaroon ng study ha­bit para hindi nagka-cram at nagpa-panic pagdating ng exams.

Lagi kong advice sa mga estudyante – kung gusto mong maka-­perfect sa exam, dalasan ang pagre-review.

Mag-aral nang naaayon sa iyong style. Marami ang nag-aaral sa tahimik na lugar at ayaw magpa-istorbo gaya ko. Istilo ko ring bigkasin ang lessons nang ma­lakas. Mas nasasaulo ko kasi ang aralin kapag ­nire-recite ko.

May ilan namang mas nakakapag-focus ng pagre-review sa labas ng bahay gaya sa coffee shop kung saan maraming tao. Kung minsan kasi, nakatu­tulong din ang ‘cozy feel’ sa pag-aaral.

May iba namang nagsusulat ng key words sa papel habang nag-aaral para may reviewer na rin sila.

Napatunayan din sa mga pag-aaral na ang exposure sa music bago ang isang matinding mental activity gaya ng pagsusulit ay malaki ang naitutulong para gisingin ang iyong utak at palakasin ang iyong kamala­yan. Kaya pala may ilang estudyanteng mas feel mag-aaral habang nag-Spotify.

Kumain nang wasto. Malaki ang maitutulong ng tamang pagkain. Eating healthy will generally boost brain performance too. Nakaka-distract sa pagkuha ng exam ang pagiging gutom.

Matulog nang ma­aga. Importanteng may sapat na tulog bago kumuha ng pagsusulit. Huwag magpuyat para fresh sa isip ang lahat ng pinag-aralan.

Ihanda rin ang lahat ng kailangan gaya ng ­extra papers, ballpens, pencils, erasers at calculator kung pahihintulutan ng iyong teacher. ­Hassle kung wala kang gamit at magiging parasite ka na naman sa iyong mga kaklase.
Magbaon ng bottled water sa exam. Mas mabilis daw makapag-isip ang taong laging hydrated.

Useful din ang ibang tricks para mabilis na masaulo ang numbers, categories at lists. Puwedeng gumawa ng sariling code o palatandaan. Halimbawa, Roy G. Biv – ang pa­ngalan na kapag na-spell out mo ay ang pagkakasunod-sunod ng rainbow colors.

Ang sa akin lang – kahit­ anong aral mo, ‘pag hindi mo sinama­han ng dasal, balewala rin. Kaya huwag kalimutang humingi ng patnubay sa Maykapal bago ang takdang pagsusulit.