Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayonayon, San Juan binawian ang Davao

0 541

Pinahinga nang maluwag nina PBA-bound Rian Michael ‘Mike’ Ayonayon at ex-pro John Wilson ang San Juan Knights nang bidahan ito sa pagtimbog sa Davao Occidental, 70-65, para itabla sa 1-all ang 3rd MPBL Lakan Cup 2019-20 national finals best of five Huwebes ng gabi sa Subic Bay Gymnasium.

Nagbaon si Wilson ng team-high 17 markers pero binigay ng TV panel kay incoming NLEX rookie Ayonayon ang best player of the game sa krusyal niyang 15 markers.

May mahalaga ring siyam na puntos ang isa pang ex-pro na si Larry Rodriguez sa pagbuwelta ng defending champion Knights sa 77-75 loss sa opener sa Tigers nitong Miyerkoles.

Nasayang naman ang game-high 26 pts., 5 rebounds at 2 assists ni Emman Calo kaya balik sa pagkadehado ang second season finalist sa pagpitada ng Game 3 bukas, Sabado.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Tinake namin ito as parang knockout game na talaga kasi kung ma 0-2 kami, mahirap nang makabawi siyempre ‘yung fatigue eh kasi ‘di ba magkakasunod ang laro,” lahad ni San Juan coach Randy Alcantara.

Ang iskor:
San Juan 70 – Wilson 17, Ayonayon 15, Clarito 9, Rodriguez 8, Gabawan 4, Reyes 4, Wamar 3, Isit 3, Pelayo 3, Estrella 3, Tajonera 1, Aquino 0, Buñag 0, Marquez 0.

Davao Occidental 65 – Calo 26, Yee 13, Robles 11, Balagtas 6, Mocon 2, Custodio 2, Gaco 2, Albo 1, Ludovice 1, Terso 1, Raymundo 0, Bonleon 0.

Quarters: 15-15, 38-37, 52-50, 70-65. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.