Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayton ‘di aatras kay Giannis

0 92

Gusto nang ipagpag ni DeAndre Ayton ang foul trouble niya noong Game 3, nangakong hindi papaapekto rito sa susunod na mga laro pa sa 75th NBA Finals.

Kalahati ng 48 minutes ng laro ay nasa bench si Ayton, may 18 points at 9 rebounds, pero walang naitulong sa depensa para pigilin si Giannis Antetokounmpo.

Resulta, nambarako ng 41 points si Antetokounmpo at nilampaso ng Milwaukee Bucks ang Phoenix Suns 120-100.

“I’m not going to let none of those foul calls change my aggression,” giit ni Ayton sa bisperas ng Game 4 ngayon.

Abante pa sa series ang Suns 2-1, iiwas na madalawahang sunod para dagdagan ang pressure ng Bucks.

Exposed ang paint defense ng Phoenix kapag wala sa loob si Ayton.

May plano na ang 22-year-old center kung paano iiwas sa foul.

“Just show my hands early, letting the refs know where I’m at, feeling the refs out throughout the game, on my physicality, how I’m playing my defense,” aniya. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.