Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayuda posible sa Biyernes – DILG

0 167

Inanunsiyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na posibleng masimula na sa Biyernes, Agosto 6, ang distribusyon ng cash aid para sa mga residente sa Metro Manila na apektado ng enhanced community quarantine (ECQ).

“Siguro pagpatak ng ating ECQ pilitin nating masimulan na `yan. Sa lalong madaling panahon kasi kailangan nating mabigay itong ayuda,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.

Una nang sinabi ng Malacañang na aabot sa 13 milyong katao sa National Capital Region ang mapapasailalim sa ECQ na ipatutupad simula Agosto 6 hanggang 20.

Aabot umano sa 10.7 milyong residente ang makakakuha ng tig-P1,000 bawat isa na cash assistance o P4,000 maximum sa bawat pamilya.

Sinabi ni Año na aabot sa P11.2 bilyong halaga ng ayuda ang ilalaan para sa mga mamamayan. Aniya pa, ang pinal na listahan ng mga mabibigyan ay depende sa lokal na pamahalaan. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.