Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayuda sa mga bus, jeepney operator kinasa

0 58

Pinaplantsa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang panibagong fuel and cash subsidy upang matulungan ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan na apektado ng magkakasunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation kahapon, sinabi ni LTFRB Executive Director Joel Bolano na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Energy (DOE) para sa panibagong pagpapatupad ng programa.

“Ngayon po we are preparing the proposal to include po magkano `yong amount and ilan po `yong beneficiaries po na ipapasok natin dito sa possible Phase II ng fuel and cash subsidy for the PUV operators,” sabi ni Bolano.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Bolano na noong 2018 at 2019 ay nagbigay ang gobyerno ng subsidiya sa mga PUV driver at operator matapos tumaas ang presyo ng produktong petrolyo dahil sa mas mataas na buwis na ipinataw sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Humihirit ang mga jeepney driver ng P3 dagdag sa minimum na pasahe o mula P9 ay gagawing P12 matapos tumaas ang presyo ng diesel sa halos P50 kada litro.

Ayon kay Bolano huling nagtaas ang pasahe noong Hulyo 2018 at ginawa itong P10. Pero bago matapos ang taon ay ibinalik ito sa P9 matapos bumaba ang presyo ng petrolyo. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.