Abante Tonite Interactive

Ayuda sa mga electric coop sa kalamidad, batas na

By
1,468

Makaaasa na ng ­tulong ang mga electric cooperative mula sa gobyerno sa panahon ng kalamidad.

Ito, ayon kay Senador Win Gatchalian, ay kasunod ng paglagda ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte upang maging ganap na batas ang Republic Act 11039, o Electric Coope­ratives Emergency and Resiliency Fund Act.

Sinabi ni Gatchalian na malaki ang tulong ng batas para matiyak ang katatagan ng po­wer ­supply ng 122 electric cooperative sa buong bansa sa gitna ng mga kalamidad at iba pang emergency situation.

Alinsunod sa batas, itatatag ang Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund (ECERF), na pamamahalaan ng National Electrification Administration (NEA).

Ang pondo ay gagami­tin sa rehabilitasyon ng mga nasirang imprastraktura ng mga electric coop.

Sa inisyal na implementasyon ng batas, maglalaan ang pamahalaan ng P750 million pesos na magmumula sa P7 billion budget ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) at papasok sa Quick Response Fund ng NEA.

“Sa pabago-bagong kalagayan ng ating kapaligiran, hindi natin alam kung kelan tayo tatamaan ng trahedya. Sa huli, dapat handa ang ating mga kooperatiba na harapin ang ganitong mga sitwasyon,” dagdag pa nito.