Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayuda sa mga jobless ilatag sa SONA – Angara

0 360

Inaabangan ni Senador Sonny Angara na marinig sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ano ang plano ng administrasyon para sa lahat ng sektor na apektado ng COVID-19 pandemic, partikular sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho.

Sabi ni Angara, nais niyang malaman kung paano tutulungan ng gobyerno ang mga nasa informal sector at ang mga manggagawa sa mga negosyong matinding apektado ng pandemya gayundin sa mga naroroon sa mahihirap na rehiyon.

Ayon kay Angara, chairman ng Senate committee on finance, handa nang aprubahan ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 kung saan binigyang pahintulot ang Pangulo na i-realign ang budget ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno para matugunan ang krisis na dulot ng pandemya.

Kabuuang P140 bilyon ang inilaan para sa relief package at pagbangon ng ekonomiya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.