Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayuda sa mga manggagawa paubos na

0 384

Paubos na ang pondo ng Department of Labor and Employment para su­ portahan ang mga mang gagawang apektado ng pandemya, sabi ni DOLE assistant secretary Dominique Tutay.

Ayon kay Tutay, ang ginagamit na ngayon ng Kagawaran ay ang kanilang regular budget dahil ang inilaan para sa mga displaced informal worker sa ilalim ng Bayanihan 2 ay nagamit na.

Nagpapatuloy pa rin aniya ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers sa mga manggagawa ng informal sector.

Inaasahan naman umanong makatangap ang DOLE ng P45 bilyong pondo para sa kanilang programa para sa displaced workers at wage subsidies sa sandaling maaprubahan ang panukalang Bayanihan 3. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.