Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ayuda sa mga Olympian hiniling

0 43

Bihirang pagkakataon na dapat samantalahin ng Pilipinas ang pagkakaroon ng malaking tsansa para makamit ang unang medalyang ginto sa loob ng 96 na taon sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.

Kaya nais ni House of Representatives Committee on Youth and Sports Development Chairman Eric Martinez na pagtuunan ng pansin ng bansa ang pagkakataon upang maisakatuparan ang matagal ng asam ng sambayanan.

“This is our best chance!” ani Martinez umapela rin ng suporta para sa kampanya ng mga Pinoy Olympian sa quadrennial sportsfest. “We have not won an Olympic gold in our lifetime, and this is our best chance.”

Isa sa Martinez sa masugid na tagasuporta sa kampanya ng bansa sa Olympics kaya ipinagtanggol niya ang badyet ng Philippine Sports Commission (PSC) sa miting sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Naniniwala siyang malaki ang tsansa ng bansa sa misyon kung kumpleto ang suporta sa mga atelta. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.