Abante Tonite Interactive

Ayusin ang koordinasyon sa mga LGU

446

Dear Abante Tonite:

Simula po nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon ay masusi kong sinusubaybayan ang mga kaganapan sa araw-araw. Ito’y para nalalaman ko at ng aking pamilya ang mga dapat gawin at sundin at anong mga pag-iingat ang kinakailangang obserbahan.

Bilang isang mamamayan po na nagmamalasakit para sa kapakanan ng lahat, ikinalulungkot ko na halos araw-araw may laman ng balita tungkol sa mga local government unit.

Mga LGU ang sinisisi kung bakit mabagal daw ang pagdating ng mga supply ng pagkain at iba pang pangangailangan. Kesyo hinaharang ng mga barangay checkpoint ang mga cargo truck na magdadala ng mga pagkain. Meron pang mga nagpopost sa social media na mabagal daw ang pagbibigay ng relief goods ng kanilang mga barangay kapitan.

Kalagitnaan na po ng lockdown subalit parang kulang sa maayos at malinaw na komunikasyon sa pagitan ng pamahalaang nasyonal at mga LGU. Kaya marahil nagkakagulo o nagkakalituhan sa pagpapatupad ng kani-kanyang polisiya.

Subalit sa akin po, sa simpleng pagkakaintindi ko, kapag panahon katulad nito na nasa state of calamity tayo at ang nagdeklara ay ang pamahalaang nasyonal, ibig sabihin nito ang magmamando sa pagpapatupad ng mga polisiya upang matugunan ang public health crisis ay ang pamahalaang nasyonal. Ipatutupad ng mga LGU ang mga kautusan.

Iyan lang po ang masasabi ko at sana magawan ng paraan na maayos ang koordinasyon at komunikasyon dahil magtatagal pa marahil ang krisis na ito.

Arthur

Sorsogon City

Tonite – Wendys Inhouse Ad