Abante Tonite Interactive

Azkals dinemolis ang Timor Leste pero mintis sa semis

241

Pinulbos ng Philippine Azkals ang Timor Leste, 6-1, sa PH 30th Southeast Asian Games 2019 men’s football Miyerkoles ng gabi sa Biñan Football Stadium sa Laguna.

Pero ang tagumpay ay may kalakip na dagok dahil ang isang goal ng Timorese ang nagpabulilyaso sa Nationals na makasulong sa Final Four.

Nakatabla ng mga Pilipino ang Cambodia sa Group A prelims second spot. Pero nang ipatupad ang goal difference talo ang mga Pinoy sa Cambodians, 5-6.

Makisig ang pa man din ang batang PH 11 sa pagpaparamdam nina Stephan Schrock, Amani Aguinaldo, Mar Diano at Dylan de Bruycker na mga nagsanib sa goal ng bansa para lang mapatalsik lang sa knockout stage.