Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Azkals taob sa Myanmar

0 32

TIKLOP ang Philippine national men’s football Under 23 team sa Myanmar, 2-3, sa preliminaries ng men’s football event ng 31st Southeast Asian Games, Martes, sa Viet Tri Stadium sa Hanoi, Vietnam.

Ito ang unang pagkatalo ng Azkals U23 sa kumpetisyon matapos ang kanilang panalo kontra Timor-Leste at draw laban sa hosts Vietnam ng Group A kamakailan.

SM food to go Banner Ad

Matapos ang goal ni Win Naing Tun para sa Myanmar sa ikalawang minuto ng laban, sumagot para sa Azkals U23 si Jovin Bedic na naka-iskor sa ika-34th at 38th mark via penalty.

Sunod na makakatapat ng national team sa kumpetisyon ang Indonesia, Huwebes, kinakailangan manalo ng Azkals U23 upang manatiling buhay at makausad sa semifinals ng torneo. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.