Abante Tonite
Mabilis sa Balita

B-day boy inararo ng saksak ni erpat

0 39

Himalang nakaligtas sa kamatayan ang isang 22-anyos na binata na nagdiriwang ng kaarawan matapos pagsasaksakin ng kanyang ama habang nag-iinuman sa kanilang lugar sa Lucena City kahapon ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Jony Abenoja Tamayo, pedicab driver at nakatira sa Barangay Dalahican sa nasabing siyudad.

Batay sa report ng Lucena City police, dakong alas-11:30 ng tanghali nitong Huwebes, habang kasagsagan ang inuman sa kanyang bahay dahil sa kaarawan ng biktima nang makasagutan nito ang kanyang ama na si Eladio Tamayo, 56-anyos at isa ring pedicab driver.

Sa tindi ng galit tuluyang nagwala ang anak, naglabas ng kutsilyo at ipinagtutumba ang mga mesa at bangko na pinag-iinuman at ibinalibag ang mga bote ng alak.

Inawat siya ng ama subalit hinawakan ng biktima sa kuwelyo ng damit ang tatay at inambaan pa ng saksak.

Nagawa namang makawala ng ama at nakakuha ito ng kutsilyo sa kanyang pedicab saka sinugod ng sunod-sunod na saksak ang anak.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at isinugod sa ospital.

Arestado naman ang suspek ng mga rumespondeng barangay tanod at dinala sa himpilan ng pulisya kung saan nahaharap ito ngayon sa kasong frustrated parricide. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.