Abante Tonite Interactive

B-day greet kay Alden 4 ang billboard

1,116

Ngayon ay 28th birthday ni Alden Richards kaya siguradong may celebration siya sa “Eat Bulaga”.

Ang abs niya na may sumisilip na six-pack ang pambungad na bati ni Alden sa Bagong Taon, na pinusuan ng marami ang pinost niyang pic sa Instagram.

May bonggang paandar ang isang grupo ng fans ng aktor na simultaneous birthday greetings today sa apat na LED billboards para sa birthday boy.

Isa sa Robinsons Forum (Northbound), isa sa EDSA Guadalupe (Southbound), isa sa Mall of Asia Globe at isa sa Fuente Osmeña sa Cebu. Taray ng mga faney, ‘di ba?

Medyo mahirap mapantayan ang 2019 ni Alden dahil ito ang taon na nagbida siya sa isang Star Cinema movie with Kathryn Bernardo, na naging highest-grossing Pinoy movie of all time.

We heard from a source na may bonggang movie project na niluluto for Alden ngayong 2020. Malaki ito at ibang level of achievement na naman for him kapag natuloy.

Every start of the year ay may pa-thanksgiving get together si Alden for the entertainment press, pero wala na raw ganu’n simula sa taong ito.

Nakaka-sad dahil si Alden na nga lang ang may ganitong tradisyon, na marunong mag-share ng blessings sa mga kaibigan niya sa media.

At saka sobrang dami niyang dapat ipagpasalamat sa nakaraang taon. Oh, well…

Dyoga ni Anne sumilip

Hindi nagpakakabog si Anne Curtis na nasa Australia.

Pinost ni Anne ang black & white photo shoot nilang mag-asawa na nakapatong siya sa mister niyang si Erwan at pareho silang topless.

As in braless si Anne at kitang-kita ang kanyang malaking tiyan in all her pregnant glory. Gandah!

Sa version na pinost ni Erwan ay medyo sumisilip ang side boob ni Anne at ang sarap ng tawa ng magdyowa.

Sey ni Erwan, sa simula ng dekada ay karga niya si Anne sa isang music festival at sisimulan niya ang bagong decade with another girl to carry on his shoulders.