Abante Tonite
Mabilis sa Balita

B-day pantry trahedya: Angel nag-sorry sa pamilya ni Lolo

0 441

Humingi ng tawad si Angel Locsin sa pamilya ng senior citizen na namatay habang pumipila sa birthday community pantry nito sa Brgy. Holy Spirit Quezon City kahapon.

Sinabi ni Ryan Dela Cruz, panganay na anak ng nasawing si Rolando Dela Cruz, 67-anyos, nagtungo na sa East Avenue Medical Center ang aktres at personal na nagpaabot ng kanyang pakikiramay.

Nangako din ang aktres na sasagutin niya ang lahat ng gastusin para sa pagpapalibing ng biktima. Aniya, “Habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila.”

Tanggap naman umano ng pamilya ang nangyari sa kanilang ama at wala silang sinisisi sa nangyari.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaugnay nito, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na maiiwasan sana ang nangyari kung naabisuhan sila tungkol sa birthday pantry ni Angel. Nagpaalala ito sa mga organizer ng community pantry na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.

Ang Philippine National Police (PNP) naman, mag-iimbestiga rin umano sa insidente.

“Since somebody died, the PNP has to conduct an investigation. We cannot ascertain yet who could be liable until the completion of the investigation,” ani Interior Secretary Eduardo Año. (Dolly Cabreza/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.