Abante Tonite
Mabilis sa Balita

B-day wish ni Bato: Sana manalo Lacson-Sotto!

0 195

Birthday wish ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na manalo ang Lacson-Sotto team sa nalalapit na halalan sa Mayo 9, 2022.

Ipinagdiwang ni Dela Rosa ang kanyang ika-60 kaarawan noong Enero 21, 2022 kasama ang mga kapwa mambabatas na sina Joel Villanueva, Francis Tolentino, at Miguel Zubiri.

Naroon din sa pagdiriwang sina Lacson at Sotto.

Sa kanyang pag-ihip sa birthday cake, sinabi ni Dela Rosa ang kanyang hiling na “Sana manalo si Sir Ping at Sir SP’.

Pareho silang naging hepe ng Philippine National Police (PNP) bago naging senador at kapwa nagtapos din sa Philippine Military Academy (PMA) subalit mas senior si Lacson kay Dela Rosa.

Naghain din si Dela Rosa ng kanyang certificate of candidacy para sa pagkapangulo subalit umatras ito kalaunan. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.